
PAGLULUTO 1. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at kalahati ng tinapa at ihalo ang Mama Sita’s Palabok Mix na tinunaw sa 3 tasa ng tubig o sabaw. Haluin at hayaang kumulo. 2. Hinaan ang apoy at hayaang maluto hanggang sa lumapot ang sarsa. 3. Sa isang malaking kaldero, pakuluin ang 16 na tasang tubig na may 2 kutsarang mantika, at ihulog ang bihon. Pakuluan ng 1 minuto o hanggang sa maluto ang bihon. Salain sa colander* at itapat sa gripo upang hindi lumabsak ang bihon. Patulin. 4. Ayusin ang bihon sa bilao at buhusan ng sarsang niluto. Lagyan ng mga palabok, nilagang itlog, tustadong bawang, pinakuluang hipon, tinadtad na dahon ng sibuyas, dinurog na chicharon at ang natirang hinimay na tinapa. 5. Ihain na may kasamang patis at kalamansi. Masarap itong pag salo salohan ng Pamilya.